Maine’s Birthday (Eat Bulaga)

AYM BACK!!!!

Hiii guys hahaha! Ako’y nagbabalik. :PP Ayon kwekwento ko yung about sa party ni Maine sa EB. Ganto kasi yun nung bago mag Sabado (March 4, 2017) nagbunutan na para sa mga makakasama sa EB. Nagbunutan na para sa slot. Tapos hindi ako nabunot hahaha. Okay lang naman eh, sabi ko mabunot o hindi pupunta talaga ako. Kahit team labas lang. Friday ng gabi nagfavor si Madam na may gagawin daw kami ni ate Cha (co-fc member) at kelangan 8am andun na kami sa QAve. So G naman si ako kasi nga team labas lang naman kami eh hahaha so no problem. Tapos edi yon nagulat ako nung sinabi na may slot daw kami kasi kami kumuha ng tarp ng SMU. Siyempre happy ang lola mo diba hahaha. Di ko kasi ineexpect na makakapasok pa kami sa loob kasi okay lang talaga na labas kami.

17125004_120300002428698329_632894239_n.jpg

(me and ate Cha)

After nun nung nasa loob na ako jusko hahaha ang happy lang kasi makikita mo na yung mga fans ni Meng kaming SMU na ang saya saya sa lahat ng na achieve ni Meng. Tapos yung pinaka opening nung prod promise naiiyak ako nung kumakanta si Meng kasi sobrang happy ko for her. Sa lahat ng blessings at na achieve niya sobrang happy ako para sakaniya. (Ps. hindi pa ko kasama sa upuan ng SMU nung time na yan kasi nahuli ako sa pagpasok  hahaha)

17141726_120300002421487995_1996023579_n.jpg

(eto yung nakalipat na ako kela ate Kat)

After opening prod lumipat na ko sa pwesto nila ate Kat (sa sahig na ko nakaupo nun kasi sobrang puno na ng BW hahahaha) edi ayon na happy happy na talaga tawa kami ng tawa kwentuhan ng kwentuhan. Asaran ng asaran. Hanggang sa segment na ng Jackpot En Poy hahaha. Color Green kami hahaha. Tas si Jake yung player. Yung gustong gusto ko icheer ang Yellow Team dahil si Alden at Red team dahil si tatay dub yun pero mas chineer ko ang green kasi pag nanalo yun may pa balato na cash malay mo mabunot sila ate Kat diba? hahaha. Grabe ang wild namin ang saya saya lang hahaha. Hampasan tulakan kada nananalo si Jake. Akala namin okay na eh hahaha pero alam niyo yun hindi nabunot sila ate Kat hahahaha ang sad diba? HAHAHAHA pero okay lang masaya padin talaga hahahaha.

After EB lumabas kami agad kasi pumila na kami for birthday surprise pa kay Meng. May pa balloons kami at papaliparin kapag dumaan siya habang kinakantahan siya ng happy birthday. Habang nag aantay siyempre selfie selfie muna hahahaha.

16938569_1402441193131297_102157952711894371_n16864800_1402337586474991_2414666178030377155_n

Ayon hahahaha mission accomplish naman kasi na happy si Meng sa ginawa namin :)) Nasama pa nga yung paballoons sa IG Story niya eh. Kaya worth it.

 

Meng alam kong di mo mababasa to. Pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal na mahal ka namin. Lagi mo sanang tatandaan yan. Marami mang naninira sayo. Andito naman kaming libo libong nagmamahal sayo. We love you Meng! Always and Forever!

Advertisements

ALDUBNationFest2016

Hiii andito nananaman ako para magkwento. HAHAHA. Dito ko na ikwekwento yung ADNFest2K16 experience ko.

Saturday night ng dumating ako sa MOA (i need to overnight kasi mag hehelp ako sa pag-ayos sa SMX at para hindi na ko magbyahe ng umaga), so nung dumating ako nasa church pa sila Mother (not my real mother ha). After nila mag church nung nakita nila ako tinawag nila ako para pumunta na kami sa hotel at maglapag ng gamit. At first nahihiya pa ako. Kasi diba first time ko sila makita tapos ako pa yung pinakabata hahaha. So ayun habang naglalakad pa hotel tahimik lang ako (na sobrang hirap dahil hindi ko kayang manahimik lol). Wala eh nahihiya ako. HAHAHA. Hanggang sa nakarating kami ng hotel/room tahimik padin ako. Mga after 10-15 mins after ko makiramdam ayun na nagtatanong tanong na ko bumwebwelo na HAHAHA. Hanggang sa yun dumaldal na ako hahaha.

Tapos ayun nung nandun na kami sa hotel dumating sila Mommy Kim (kasama din namin) hiniram niya ako sinama niya ako sa room nila tas pinakilala niya ko sa anak niya (Si Kimmi na sobranggg cuteee huhu) tapos dun ko din nakilala sila Ate Madj at Kuya Stephen (Performers ng ADNFest *regine*) at first kagaya nung una, Shytpe si ateng niyo HAHAHAHA. Ganun naman diba? Shytype ang lola niyo HAHAHAHA. Pero kagaya nga ng sabi ko sa una lang hahahaha kumulit ako ng kumulit hanggang sa naging kumportable na ko sa kanila at naging close ko na sila (not super close pero papunta na dun hahaha). As in parang big sis at big bro ko na sila tapos kapareho ko pa sila ng ugali na madaldal tas makulit. HAHAHA. Siguro mga 1-2 oras kaming magkasama. To the point na tumambay na ko sa room nila hahaha. Umakyat ako sa room namin mga around 11:45pm ganun. Hinatid pa nga ko ni kuya Stephen eh kahit 2 floors lang ang pagitan HAHAHA (7th floor kasi sila tas kami 9th floor). Ayun pagdating ko sa room namin nagpreprepare sila papuntang SMX hahaha. At dahil gala ang lola niyo sige gumora ako kahit na pinapatulog na nila ako. HAHAHA.

Pagdating namin sa SMX hindi pa bukas yung sa backdoor, nililinis palang kasi kakatapos lang nung last event. Habang inaayos sa loob kaming mga nasa labas hinanda na yung mga gagamitin, lahat. Ako ang role ko binantayan ko mga gamit habang ying iba binaba yung coke at iba pa. After isang oras ata nung binuksan na yung hall 4 na amazed ako kasi ang laki besh ang laki. Tapos ayun dun na tumulong na kami. Pinasok namin yung mga gamit. HAHAHA. Pinaka memorable na ginawa ko talaga is yung pag-ayos sa Coke HAHAHAHAHA. Kingmother grabe yung coke ang dami besh nangalay na likod ko’t lahat lahat di padin tapos ayusin hahaha. Pero kahit sobrang nakakapagod worth it siya grabe. Lalo na nung nakita mong tapos na. Yun talaga ang the best. After nun tumulong din kami sa pag-ayos ng lantern.

Mga 4am na din kami nung nakabalik kami ni Mother sa hotel (Dalawa lang kami kasi naiwan pa yung iba doon) tapos dahil nabasa kami ng ulan naligo kami. After 3 hours siguro saka ako nagising. Mga 7am yun. Pag gising ko nagpreprepare na sila pabalik sa SMX. As usual sumama nananaman ako naghilamos at toothbrush lang tapos gumora ulit. Partida nakapantulog lang ako hahaha tinakpan ko lang ng Jacket XD. 14627933_786355344840276_322656391_n

(proof na naka pang tulog lang ako hahaha lol)

Pagdating namin sa SMX ang dami ng mga committee na nandun hahaha nahiya ako bigla kasi nakapang tulog lang ako tas sila naka ayos na HAHAHA. Edi yun tulong tulong ulit kami. Hanggang sa mga 11 bumalik kami ng hotel para maligo at magbihis.

After nun sobrang busy na siyempre malapit na yung oras tapos nagpreprepare na ang lahat. Hanggang sa ayun na nag gates open na at pumasok na ang bisita. Grabe sobrang ganda ng venue.

(Some booth na inikutan ko bago magstart ang event)

Lalo pang naging mas masaya ang Fest nung Dumating si Alden at Maine. Grabe sila yung bonus sa fest. Kasi kaya ginawa ang ADNFest para makakilala at makatagpo ng bagong kaibigan na kapareho mongg Fan. Bonus nalang talaga na pumunta silang dalawa.

Isa pa sa di ko malilimutan is yung kung gaano ka thankful si Alden at Maine sa buong ADNation na patuloy na kumakapit at nagmamahal sakanila. Lalo na yung part na umiyak si Meng nung kumanta yung performers ng Keep Holding On. Pinakita nila samin na sobrang na appreciate nila yung effort ng mga fans, committe, lalo na ng OrgComm sa pagbuo at pagdalo ng fest (Fans lang talaga ang nagbuo, nag-isip at nag-ayos ng ADNFest walang media, walang network. FANS lang talaga).

Dito sa Fest sobrang emotional ko talaga kasi never kong inakala na makakakilala ako ng mga taong kapareho ko sa pagiging fangirl. Lalo na yung di ko inaakala na makakakilala ako ng matatawag ko na pangalawang pamilya. Dahil din sa fest na to lalong lumakas yung tiwala ko sa Dalawa (Alden at Maine) at dito ko napatunayan na pwedeng maging magkaibigan at maging pamilya ang mga taong nagkakilala sa Social Media.

Isa sa pinaka tumatak na linyang sinabi ni Maine sa amin is “Sana kahit anong mangyari sa AlDub, ma-keep nyo pa din yung friendship nyo”. Dahil jan mas lalo kong pinapahalagahan yung mga kaibigan ko na nakilala ko sa SocMed hindi dahil sinabi ni Meng o ano. Kundi dahil alam ko kahit anong mangyari wala na kaming iwanan dahil para na kaming isang pamilya.

ate madj ulit hahaha.jpg

My Ate/ADNFest Performer/Lablab kooo – (Ate Madj <3)

87_5ni-j

TBK Family/OrgComm – (Ate Gab <3)

14627724_786376618171482_1044313872_n

My TBK Family ❤ (Tel, Ate Rox, Ate Joy, Mother MJ)

14627810_786376528171491_2028844395_n

(Ate Aldubvines, Tel <3)

14741757_786376591504818_1404832129_n

TBK Family uliiii (Tel, Ate Rox, Ate Cati, Ate Joy, Ate Gab, Mother MJ <3)

ate-camiiii

ONE OF MY FAVORITE ADN AUTHOOOOR- (Ate Cami :D)

authoor

ONE OF MY FAVORITE ADN AUTHOOOOR – (Ate Kach :D)

mommy-ruthie-ulit

ONE OF MY FAVORITE ADN AUTHOOOOR/TBK Family – (Mommyyyy Ruthie <3)

motheeer

My mother in SocMed/TBK Family/ Orgcomm – (Mother MJ <3)

tamara

ADNFest Performer – (Ate Tamara :D)

mommy maris.jpg

TBKFamilyyyy – (Mommy Maris <3)

PS. iilan lang yan sa mga nameet ko. Waley lang ako pic huhu

PPS. Sobrang thankful ako na nameet ko ang TBK Family ko. The best sila I swear. Hindi nila ako hinayaang maleft out nung mga panahong nahihiya pa ako.

PPPS. Walang tatalo sa ADNFest at sa mga tao sobrang enjoy 😀

PPPPS. Nung Sunday pa to guys lutang pa lang talaga ako. Di pa ako makaget over

PPPPPS. Di pa nga ko nakaka get over sa ADNFest nawindang naman ako sa PreNup Photos ni Alden at Maine. Leche hahaha. Tingnan niyo sa EB Page. NAKAKALOKA PRAMIS WAAAAAAAAAAAH!!!

SALAMAT SA PAGBABASA HAHAHA!

Charles’ Birthday Preparation

Hiii guys! Im backk XD lol.

Ayun so ngayong araw ay birthday ni Charles (kapit bahay namin na baby) HAPPY BIRTHDAY CHARLES!!

Edi kahapon around 6pm pumunta kaming super 8 para magpagawa ng Tarpaulin ni Charles. Tapos pag-uwi derecho kami kaagad sa bahay nila para tumulong magprepare. Tumulong kaming mag dikit ng balloons sa kisame

Btw full ng balloons yung kisame. Tapos tumulong din kami sa paglobo ng Balloons.Nag isip ng design at kung ano ano pa. As in okay lang kahit anong pagod sa pagprepare kung yung ngiti naman ni Charles pag gising niya eh worth it ♥

Gusto ko lang ishare hahaha nakaka enjoy kasi 😊 Yun lang guys! Salamat! :))

September 12, 2016

Hiii!! Just wanna share my Day! Sobrang saya grabe! ❤

 

GRABEEEEEE! UNEXPECTED DAYS TALAGA! Kasi ganto yun hahaha wait happy ako eneber.

Ganto na nga kahapon kasi may nag chat sa GC namin (MAINEfinity) na sa Visayas Ave QC daw ang JFA ngayon. Syempre malapit samin eto na ko aligaga nagpaalam na agad agad hahaha siyempre lam mo naman basta Maine hahaha. Tapos nung gabi sabi lipat daw San Mateo ang location ako nalungkot siyempre umasa ko. AHAHAHA tapos kanina pag gising ko sabi ko sige gogora ako. Eh sakto nagchat uli na BW daw. Edi eto na nagkita kami ni Tel sa Cubao hahaha pagbaba namin sa Jeep sabi nagpa San Mateo na sila. ETO NA NAIINIS NA KO NUN BES HAHAHAHA KASI NAMAN NAPAPAGOD NA KO TAS WALA PANG JEEP HAHAHAHA. Edi balik uli kami tutal may sakayan pa San Mateo samin dun na kami sumakay ni Tel. Tapos pagbaba namin umikot pa kami para makapasok hahaha. Grabe pagod bes. Jusko pagkadating namin okay na nawala na inis ko hahaha happy na ko. As in yung lahat ng inikot ikot ko sulit. Pero ang pinaka dabest is yung Bonding namin ng buong Finity at nakasama namin ang ilang mga taga SMU <3. The best yun 🙂14348790_1262227877135503_429991346_n.jpg

*insert ate LJ sa picture*

ETO THE BEST TALAGA! AT ISA PA MAY PIC PA KAMI NI DEAN ❤14348953_768189913323486_1025387342_n

SOBRANG HAPPY KO THIS DAY TALAGA ❤

SEPTEMBER 1, 2016

BEST SEPT. 1 EVERRRRR!! GRABEEE!!

 

Grabeeee guys kelangan ko talagang ilabas ang feels ko ngayong Sept. 1. MGA BESSSS!!! WAAAAAAAAAAAAAAAH YUNG PUSO KO DI KO MATAGO ANG SAYA!! GRABEEE!!!! Yung tipong nasa school ako tapos nagbukas ako data aroung 6 (btw 12pm-7pm class ko) nalaman ko na sinagot na ni KSMaine si KSAlden. AS IN KUNG ALAM NIYO LANG NARARAMDAMAN KO!!! WAAAAAAAAAAAAAAH GRABE YUNG KAHIT NASA SCHOOL AKO NAGTITITILI AKO GRABE!!! GUYS KUNG ALAM NIYO LANG JUSKO ANG FEELS KO WAH SARAP TUMALON SA BUILDING AT MAGHUKAY KASO WALA NAALALA KO KELANGAN KO PA MAWITNESS KASAL NILA. GRABE GUYS OMG TALAGA!

 

BABYE NA KELANGAN KO LANG ILABAS ANG FEELS KO NGAYON JUSKO SASABOG NA AKO!

14192703_1174808239227928_1577639561220222474_n
YES!!
14233034_1174808505894568_8410503451524281439_n
Together Eternally ❤

Sunday Meet-Up

Grabe ang linggo ko mga be. Puro meet up! HAHAHA

 

Hahahaha hi guys! Ako’y nagbabalik hahaha. Jusko ang linggo ko mga bes puero meet up ahahaha. Una kong nameet si Tel hahaha nakilala ko siya sa GC ng team butchikik hahaha tapos nalaman ko na taga MAINEfinity din siya (Fansclub ko) hahahaha. Ayun nag set na kami last week pa kaso dahil sa unexpected na ganap na cancel hahaha. Tapos kanina mga 1 nagdecide kami na ituloy na uli ang meet-up edi ligo ako agad hahaha tapos gumora. Nung una akala ko mahihiya ako kasi mahiyain talaga ako sa una pag di ko kaclose pero bes ang lola mo dumaldal ng dumaldal kala mo matagal na kaming di nagkita hahaha tapos inikot namin SM North hahahaha. Usap usap lang tapos natempt siya bes sa Cotton Candy nilibre niya ko hahaha kaloka (puro libre sakin ang unang meet up ko diba?) hahahaha jusko. Dat kasi bibili ako kaso naalala ko nag-iipon ako para sa ticket sa ADN Fest hahaha lam mo naman para sa ekonomiya pak. XD. Edi yun na nga hahaha nilibre niya ko tas nagpicture picture kami hahaha.f9ax_Zfs

After naming bumili ng Cotton Candy umalis na siya papunta fishermall dahil may pupuntahan siyang kaibigan niya hahaha na manonod sa KN ako naman direcho Trinoma dahil may meet up ang TJFs hahaha (Fansclub ni kuya TJ Monterde) Edi ayun habang naglalakad ako may namukhaan akong babae hahaha si ate Maine pero nahihiya akong iapproach kasi baka mapahiya pero in the end sabi ko “ate Maine?” nagulat siya kasi ang creepy nung pagkaka approach ko hahaha. Kasama niya na nun si Kuya Arcky hahaha edi yun naglakad na kami papuntang Mcdo dun kasi ang kitaan. Tapos after nun tahimik pa ko lam mo naman shytype ang lola niyo be. HAHAHA. After namin mag Mcdo umakyat kami sa garden andun daw Jadine eh tapos edi yun nagsimula ako mag-ingay nung nadulas si ate Tanya di ko napigilan tawa ko bes hahaha tapos sumigaw sigaw kami nakitili tili dahil sa mga artista na andun at kumanta hahaha XD. Habang may kumakanta may sumigaw ng TJ Monterde nahawa sa kakasigaw ni ate Tanya na TJ hahahaha. Eh narinig nung babaeng katabi namin sabi niya nandun daw si Kuys sa trinoma mga 4 (6 na yung oras nun) tapos kami siyempre di makapaniwala pero totoo daw edi yun tapos inikot namin buong Trinoma be hahaha kaso wala si Kuya Tj hahaha kaiyak no? XD pero edi nag selfie nalang kami hahaha. Mga around 7 na yan be. 14163841_597423017108814_846059558_o.jpg

After magselfie umuwi na ako dahil una hanggang 6 lang paalam ko at pangalawa umuulan na tsaka pinauwi na din ako ni ate Regine hahahaha. So sa pag-uwi ko na natatapos ang aking kwento. Ayun lang paalam na! AHAHAHA

Happy Birthday Mommy Glad 💛

Napagawa ng blog kasi gregreet ko si Mommy Glad!

 

Hahahaha una sa lahat gusto ko igreet si Mommy Glad ng happy birthday hahaha. Naaalala ko nung una kong makipagkita sa kaniya bagong dating lang siya sa Pinas nun hahaha gabi kami nagkita mga around 7pm XD tapos palihim ko pa siyang kinuhanan ng litrato kasi sabi ni papa hahahaha.

14102290_1168395893202496_5657737017704980427_n14117881_1168395076535911_9097304402118235723_n

Yan yung una kong kuha ng pic sakaniya tapos sinend ko kay papa hahaha kasi nagpaalam ako na makikipagkita ako sakaniya XD hahaha as in nahihiya ako nun kasi akala ko siya lang yun pala kasama family niya. As in grabe hiya ko beh hahahaha. Ayun kwentuhan kami ni mommy glad tapos nilibre niya ako kumain kami tapos nung pauwi may binigay pa siyang gift sakin hahaha. As in first time namin magkita nun ha? hahaha kapal mukha ko mga beh lol. XD

As in sa buong Fansclub ko dati (nakilala ko siya dahil sa ALDUB) ako pinakauna niyang na meet hahaha tapos ayun lagi kaming magkachat ni mommy glad hanggang sa sinama niya ko sa reservation niya sa EB hahaha (pag balikbayan kasi sa unahan) grabe bes unexpected hahaha.

14100364_1168396849869067_7898418316809145895_n

HAHAHA sorry sa stickers pero ayoko kasi ipakita mukha ko at mukha ni mommy glad para private lol. XD

So ayun nag EB kami tapos after nun trineat niya uli kami kumain nananaman pero may kasama na kaming iba na ka FansClub namin na yun hahaha. Ayun as in dahil dun lagi kami magkausap sa chat usap usap lagi lalo kami naging close as in sa buong FansClub siya yung talagang pinakaclose ko na mommy-mommy ko hahaha. After nun siguro ilang araw din bago kami nagkita hahaha last kita din namin nun eh kasi babalik na siya sa ibang bansa.14102589_1168399279868824_7809718035255409920_n

Ayan yung last kita namin at last pic namin hahahaha (Btw ako yung naka green XD, si mommy glad naka white, si ate Rose naka black, Si ate kim naka stripes na black at si ate she yung naka blue) ayun chinat kami ni mommy glad na magkita tas nilibre niya kami hahaha (puro libre no? kapal fes ko eh hahaha) so ayun galing pa kong school nun bes hahaha tapos alis agad siguro nakauwi ako around 10pm na hahaha buti di nacurfew hahaha lol.

So bat ko ba kwinento kung paano kami nagkakilala? Kasi gusto ko malaman niyo (kahit wala namang nagbabasa neto) na sobrang bait ni Mommy Glad kahit na sa Online ka lang nakilala basta once na family turing niya sayo family ka na niya. hahaha.

Sila din reason kung bakit masaya ang Teenager days ko kasi bukod sa nakakilala ako ng Kaibigan at Pamilya alam ko na kahit papaano di nila ako iiwan hahaha. Isa din sila sa nagpapabuti sakin dahil sa mga payo nila sakin na alam kong makakabuti at magagamit ko sa pagtanda ko hahaha.

Ayun hahaha HAPPY BIRTHDAY MOMMY GLAD (kahit di mo po to mababasa hahahaha) MORE BIRTHDAY’s to come and loveyoooou always sana po nagustuhan niyo po yung advance gift ko sainyo noon hahaha.

BABYE NA PO ULIII SALAMAT!!

 

My Day

Helloooooo! HAPPY BAGONG GAWA SA BLOG KOOO! HAHAHAHA lol.

 

Well sa nakikita niyo first time kong gumawa ng blog. Ewan ko ba siguro dala narin ng boredom ko hahaha. lol

Ayun siguro kaya rin ako nagcreate para naman may magawa ako wala kong makausap eh. Feeling ko lahat ng tao ayaw akong kausap? haha ewan naprapraning na ata ako.

Siguro sa pamamagitan neto makwekwento ko yung mga nangyari sa araw ko kung ano ginawa ko kanina sa School ganun hahaha.

Well wala namang nangyari sa araw ko as usual kulitan sa tropa harot harot lang asaran hahaha pero alam niyo yun yung masaya ka naman oo pero parang may times talaga na matatahimik ka tapos parang gusto mo mapag-isa wala sa mood makipag usap. hays ganun ako eh. Feeling ko talaga wala kong kwentang tao hahaha.

Well kanina masaya ako tas ngayon naman para akong timang na nag eemo hahaha ewan ko ba feeling ko kasi ngayon walang taong gustong kumausap sakin paulit-ulit pero yun yung totoo hays. 15 mins ago kakatapos ko lang manood ng Replay ng Eat Bulaga hahaha (Fangirl Mode) natuwa naman ako sa mga banat ni Tisoy (Alden) pero natawa ako kasi sa unang part baliktad yung phone niya hahaha lol 😂😂 pero ayun hahaha miss ko na si Menggalerts 😦 Pero alam ko naman na pauwi na siya kaya mapapanood ko na uli siya. (Sana wag maapektuhan ng ulan yung Flight niya 🙏).

Hanggang dito nalang muna hahaha wala namang nangyari sa araw ko lol babush! hahaha